Taklub

                                TRAHEDYA
Situation:
       Trahedya na lubhang bumangungot sa sangkatauhan ng Tacloban City ang bagyong Yolanda. Maraming buhay ang sinalanta at kinuha nito, na naging dahilan ng hirap na pagbangon ng nakararami. Lubos ding nasalanta sa bayang ito ang mga imprastraktura at mga pinagkukunan ng pangkabuhayan, na lalong nagpahirap ng kanilang sitwasyon.
Point of Attack:
         Ang Taklub ay isang halimbawa ng magandang pelikula dahil sa makatotohan nitong nilalaman na nagpapatunay na hindi lamang tungkol sa romansa, pag-ibig, at iba pang napapanahong pelikula ang nakakapukaw sa mga manunuod.
Evidence #1: Dialogue:
F-     "Heto, naglalagu sa laot, nananalangin na kainin ako ng alon, at lamunin ng mga pating wala na naman akong bahay na pupuntahan eh" sabi ni Renato
V-     Si Renato ay isa lamang sa mga taong naulila sa pamilya dahil sa dobleng trahedya na kanyang dinanas: ang bagyo at sunog, halimbawa lamang siya ng mga taong nahihirapang mag-isa at nangungulila.
Evidence #2: Director's Purpose
F-  "Direk, paani niyo po nabibigyang hustisya ang mga pelikulanv inyong ginagawa?" tanong ng isang kapwa ko mag-aaral at sagot naman ni Direk Brillante Mendoza ay "Huwag lamang ito bibigyan ng false hope."
V-   Sang-ayon ako sapagkat totoo naman na dapat detalyado at makatotohanan ang ipapalabas na pelikula para sa hustisya na nais.
Evidence #3: Implications
F-    Noong mga panahong nangyari ito ay maingay ito sa balita sa radyo at telebisyon na lubhang sinalanta ang Tacloban City ng bagyong Yolanda.
V-  Sa kagaya ko na nakaranas din ng isang bago, alam ko ang pakiramdam nila na ang hirap bumangon muli, at nangangailangan pa ito ng mahabang panahon bago maibalik ang dati
Summing Up:
Sa kabuohan, isang napakalagim na pangyayari ito sa nakararami. Naging sentro din ito ng balita kung saan maraming tulong ang dumating mula sa iba't ibang bansa. Isa ito sa mga pelikula na tatatak sa isipan hindi lamang sa nakaranas, ngunit maging sa lahat.
Recommendation:
Ang pelikulang Taklub ni Direk Brillante Mendoza ay sadyang nakakapukaw hindi lamang ng mata pati na rin ng damdamin. Kaya para sa mga hindi pa nakakapanuod subukan n'yo para na rin maging aware sa mga kalamidad na ating nararanasan

Comments

Popular posts from this blog

Photo Essay

HUMSS

Reportage