Interview
Ayon sa aking na-interview na isang trycicle driver na itago na lamang natin sa pangalang Allan, isa siya sa mati-tiyagang trycicle driver na naghahanap buhay araw-araw para may maipang-tustos sa kaniyang pangaraw-araw na pangangailangan.
Siya ay hiwalay na sa kanyang asawa dahil ayaw sa kanya ng magulang. Kahit ganoon ay binibisita niya parin paminsan-minsan ang kanyang asawa, mayroon silang isang anak na babae na kasalukuyang elementary student. Mahirap daw para sa kanya ang sitwasyon dahil hindi niya kasama ang kanyang mag-ina. Sa ngayon ay kanyang mga alagang aso ang kanyang kasama ultino sa pagtulog. Kapag naman daw wala siyang magawa ay mahilig siya magayos ng mga sirang gamit dahil lumaki daw siya sa probinsya kaya alam niya ang dapat gawin. May mga panahon mang hinfi sapat ang kinikita niya sa pamamasada ay nagtitiis at nagti-tiyaga na lamang siya para sa kanyang sarili at sa kanyang mag-ina na malayo sa kanya.
Comments
Post a Comment