Human Rights

Noong nakaraang December 10,2016 ipinagdiwang ang araw ng International Human Rights sa Metro Gaisano, Lucena City. Sa event na iyon itinalakay ang mga karapatang pang tao. Naging topic din ang pagpapalibing kay ex-president Marcos sa libingan ng mga bayani. Itinalakay nila ang mga bayani. Itinalakay nila ang mga nangyari noong martial law, noong mga panahong si dating Presidente Ferdinand Marcos pa ang namumuno sa bansang Pilipinas. Maraming tumututol sa pagpapalibing kay Marcos sa libingan ng mga bayani; kahit ako tumututol din ako. Sa event na iyon nalaman ko ang mga ginawa ni Marcos na maganda at mga kasalanan nyang ginawa katulad ng martia law. Maraming na biktimang Pilipino noon, nakakalungkot mang isipin na madaming naaabuso noon, pinata dahil sa kadahilanang pagpuna sa administrasyong Marcos hind ka pwedeng magsalita na against ka sa kanya kasi once na may makarining sayo, ipapapatay ka or totorturin ka muna bago ka ipapatay mas nakakalungkot din yung mga taong na-trauma lalo na yung mga survivors kasi may mga taong pinapatay noon na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan. Hindi ko man naabutan ang panahon na iyon, pero naramdaman ko ang hirap at saklap ng mga nagging biktimang martial law dahil sa event na iyon namulat ako sa kahalagahan ng karapatan pangtao. May mga kabataan angnagustuhan at di nagustuha ang mga ginawa ni marcos. Meron din namang nagawang maganda si Marcos pero hindi ibig sabihin may ginagawang maganda e gagawa ka na ng masama sa kapwa mo; yan yung lesson. Salamat sa organizer ng event na si Maria Victoria Lavado at sa iba pang bumubuo ng event naiyon.

Comments

Popular posts from this blog

Photo Essay

HUMSS

Reportage