Autobiography

PHYSICAL ASPECTS

Ako si Jireh Aurin, 17 na taong gulang at naninirahan sa St. Jude Village. Umuupa lang kami ng bahay kasama ang ate at kuya ko. Ang totoong bahay namin ay sa San Narciso, Quezon. Ang tatay ko ay si Rommel Aurin, isa syang police official, ang nanay ko naman ay si Salma Aurin, may sarili syang tahian at tindahan ng mga tela, mga gown, at mga baron. Katulong nya ang panganay kong kapatid sa pagtatahi at pagnenegosyo. Lima kaming magkakapatid, pangalwa ako sa bunso. mahilig akong magbasketball. Simula pagkabata ko ay halos sa court na ako tumira, kasama ko ang kuya ko sa paglalaro. Mahilig rin ako magpatawa at makipaglokohan sa mga kapatid ko. Madalas kaming nagsisisgawan sa bahay dahil naglalabanan kami ng fliptop ng mga kapatid ko.
Sa Calayan ako pumapasok, varsity ako ng basketball, malaking tulong sa magulang ko dahil scholar ako dito. Noong una mahirap mag-adjust sa mga bagong kaklase at mga teacher, from high school to senior high school, syempre iba na dapat ang pakikitungo at kailangan mas seryoso na sa lahat ng bagay lalo na sa pag-aaral. Pero nkaadjust naman ako sa paglipas ng mga araw dahil kaklase ko rin yong mga kapwa ko varsity at mababait rin naman at matulungin ang mga kaklase ko. May mga subject lang talaga na mahirap unawain tulad ng math pero ginagawa ko naman yong best ko para intindihin at pag-aralan yun.
Mahirap talaga malayo sa magulang, kailangan marunong ka sa buhay, ultimo paglaba at paghugas na nakasanayan na namin na ginagawa ni mama, pagdating dito dapat kami ang gagawa. Natuto akong mamuhay ng ganun, yung paggising sa umaga na alarm ang gigising sayo imbis na si mama, yong kumain mag-isa, kailangan ko pa gisingin si ate para ipaplantsa ang uniform ko, at mahirap din pala ang magbudget ng allowance.
Dati noong bata pa ako, takot ako sa ipis, sabi ni mama dapat daw malinis lagi ang paligid nmin para hindi magkaroon ng ipis, kaya naman kapag wala akong ginagawa, linis ako ng linis ng apartment namin.
Pinaka-bestfriend ko dito ay si wacky, lagi kaming magkasama at nagtutulungan. Hindi lang kami sa pagbabasketball magkasundo kundi sa lahat ng bagay. Sya ang napapagsabihan ko ng mga problema ko at ganun rin sya sa akin. Sya yong kasama ko sa mga kalokohan at kalungkutan lalo at pareho kaming malayo sa mga magulang namin.
Pangarap kong maging PBA player, pero pangarap ko ring sumunod sa yapak ni papa, ang pagiging pulis. pinagsusumukapan ko lahat para sa pangarap ko na pangarap rin sakin ng magulang ko. Kahit mahirap at madami pang proseso pipiliting makapagtapos, dahil sabi nga nila yong diploma daw yong greatest reward na maibibigay sa magulang, na yong success daw natin ay success narin ng mga magulang natin.
Pagkatapos ko ng pag-aaral, maghahanap ako ng trabaho. Tutulungan ko sila mama sa kanilang pangangailagan kahit pa sinasabi nila lagi ni papa na kapag nagkatrabaho kami ay hindi sila hihingi samin basta makita lang nila na maayos kami ay okay narin sila dun, pero para sakin hindi ko sila kakalimutang bigyan dahil yun nlng at pagmamahal ko ang maibibigay ko sakanila.

Comments

Popular posts from this blog

Photo Essay

HUMSS

Reportage